Una sa Balita

Dominguez pahirap sa mga Pinoy

By
0 451

MULING nanawagan ang Bayan Muna na suspendihin ang mga pahirap na probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Mapupuruhan na naman kasi ang mga ordinaryong Pinoy sa dagdag na buwis sa langis.

Ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares, sinapawan na nang ­husto ng mataas na antas ng inflation nitong nakalipas na taon ang ­purchasing power ng mga ordinaryong consumer.

Kaya nararapat lamang na pagpahingahin sa gastos ng mga economic ­manager ang mga ordinaryong Pinoy sa pamamagitan ng pagsuspende sa pangalawang tranche ng TRAIN Law partikular na ang pagpapatong ng ­dagdag na buwis sa langis.
Hayaan naman aniya sana ng mga economic manger na mapakinabangan ng mga Pinoy ang mababang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

“Given the already reduced purchasing power of Filipino consumers, DOF’s (Department of Finance) decision to push through with the second tranche of the TRAIN Law is cruel and brutal,” himutok ni Colmenares tungkol sa naging desisyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez.