Una sa Balita

Dominguez, mga economic manager walang patawad sa oil tax

By
0 505

BINATIKOS ng isang mambabatas ang mga economic manager ng administrasyong Duterte sa pangunguna ni Finance Secretary Carlos Dominguez III dahil sa itinutulak na pagbawi sa ipa­tutupad na suspensyon ng karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo.

Matatandaang nag-isyu na ng memo si Pangulong Rodrigo Duterte na inaaprubahan ang naunang rekomendasyon ng mga economic manager na pansaman­talang suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.

Pero nagpasya kamakailan ang ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) na irekomenda ang pagpapatuloy ng pagtaas ng buwis sa mga produktong petrolyo sa susunod na taon batay sa itinatakda ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng la­ngis sa pandaigdigang pamilihan.

Tinawag ni Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin na “cold-hearte­d opportunism” ang diskarte ni Dominguez at mga kasama nitong economic mana­ger ng administrasyon.

Hindi pa nga aniya nakakahinga ng maluwag at nae-enjoy ng mga Pinoy ang bumababang presyo ng produktong petrolyo pero ito na naman ang mga economic manager na nagpapaka-kill joy at atat na ipatupad ang pagpapatong ng excise tax.
Tinawag pa ni Villarin na “Grinch of Christmas” ang mga economic manager dahil walang habag sa kalayagan ng mga tao ngayong papalapit pa naman ang Kapaskuhan.

Nagpasya ang DBCC na irekomenda ang pagpapatuloy ng pagtaas ng buwis sa mga produktong petrolyo dahil sa pananaw na bumababa na ang presyo ng la­ngis sa pandaigdigang pamilihan at para na rin dumami ang makukubrang buwis ng gobyerno.

Kapag hindi umano ituloy ang pagtaas ng buwis sa susunod na taon ay mababawasan ng P43.4 bilyon ang koleksyon ng gobyerno habang tinutuloy-tuloy pa rin nito ang malala­king gastos sa Build, Build, Build program.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy