Una sa Balita

Dominguez humaharang sa 3rd telco?

By
0 2,972

PINAGBUBUNTUNAN na ng sisi si Department of Finance Secretary Carlos Dominguez sa mabagal na pag-usad ng proseso ng pagpili ng 3rd major telco player sa bansa.

Naglabas ng sentim­yento si Pierre Tito Galla, co-founder ng democracy.net.ph, sa kanyang Facebook wall para ibuhos ang inis sa pangyayari.

“Lag na nga ang internet, lag din ang 3rd telco selection process! Oy, DOF, stop getting in the way of DICT momentum,” mensahe sa FB ni Galla.

Pinupuri ng democracy.net.ph at Better Broadband Alliance ang masigasig na pagkokonsulta ng Department of Information and Communications Techno­logy (DICT) sa lahat ng mga stakeholder para makapaglatag ng proseso ng pagpili ng pangatlong telco player.

Ayon kay Grace Mirandilla-Santos ng BBA, nagpapasalamat sila sa transparency at participative approach ng DICT sa pagpili ng 3rd telco player.

Ayaw namang panga­lanan ni DICT officer-in-charge Eliseo Rio Jr. kung sino ang nagpapabagal ng proseso.

Ang sabi lang ni Rio, may mga taong ayaw man lang ipalathala ang ‘draft terms of reference’ na makakatulong sana sa pagtalakay at magpapatibay ng proseso.

Nagpahayag naman ng pag-ayon si Rio na hindi dapat basta-bastang madaliin ang proseso pero hindi niya maintindihan kung paano nagi­ging pabigla-bigla ang proseso kung kinukonsulta naman lahat ng mga stakeholder para makabuo ng TOR.
Sabi pa ni Rio, tanging­ ang Globe at PLDT lamang ang nakikinabang pagpapabagal ng prose­so.