Una sa Balita

Dominguez ginamit ang water crisis para makautang sa China

0 1,462

INUPAKAN ng ilang militanteng kongresista si Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez dahil ginagamit umano nitong rason ang nararanasang water interruption sa Metro Manila para ma­bigyan ng katwiran ang panibagong proyekto na popondohan ng China.

Nauna nang inihayag ni Dominguez na makakatulong sa paglutas ng krisis sa tubig ang Kaliwa Dam na popondohan ng China.

Tinatayang P18.7 bil­yon ang gagastusin sa konstruksyon ng Kaliwa Dam sa Tanay, Rizal.

Pero ayon kay Bayan Muna Carlos Isagani Zarate, mapaminsala ang proyekto sapagkat libo-libong katutubo ang mawawalan ng tirahan. Lalo rin aniyang malulubog sa utang ang bansa.

“As it is, this claim of water crisis is alarming, even highly suspect. However, the China loan and possible displacement of indigenous peoples from their ancestral lands and the harmful effects of this project to our environment, is also a cause for even more concern,” pahayag ni Zarate.

Dapat aniyang ikunsidera ng gobyerno na sa halip na magtayo ng mga mega dam ay magpatupad muna ng istriktong regulasyon at rendahan ang mga water concessionaire.

“This so-called water crisis will not be solved with the government continuing its privatization policy, that caters mainly to the profit-seeking big business. What we need now is the nationalization of the water industry and the implementation of a pro-people water agenda,” dagdag ni Zarate.

Sa panig ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao, inihayag nito na maituturing na “political blackmail” ang inaasta ni Dominguez.

“Instead of the government, holding the private concessionaire accountable for its gross failure to serve its clients, this callous regime has the gall to use public misery for their onerous interest, that is to grab multi-billion peso funding for a mega dam pro­ject which was opposed by the people for many decades,” paghahayag ni Casilao.

Pinaalalahanan ni Casilao ang mga mamamayan na huwag magpapatangay sa ganitong kartada ng kalihim.

“As if on cue, in the midst of this unwarranted water problem, Sec. Dominguez is again floating the Laiban Dam project, the parent of the Kaliwa-Kanan dam proposals, that has been on and off since the Martial Law years that would evict the Dumagats and Remontados indigenous peoples from their ancestral lands,” ayon naman kay senatoriable Neri Colmenares.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy