Una sa Balita

Dominguez dedma sa koneksyon kay Dennis Uy

By
0 547

DEDMA ang tanggapan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa mga paratang ni Senador Antonio Trillanes IV na malaki ang kinita ng negosyanteng si Dennis Uy sa administrasyong Duterte.

Kilalang supporter at campaign contributor ni Pangulong Rodrigo Duterte si Uy subali’t malapit din siya sa pamilya ni Dominguez.

Ayon kay Trillanes, naging director pa ng Phoenix Petroleum ang kapatid ni Dominguez na si Paul Dominguez.
Si Uy, kasama ang China Telecom at Mislatel, ang nagwagi bilang 3rd telco player ng bansa.

Ilang malalaking kompanya ang nag-asam na maging 3rd telco ­player kabilang na ang mga Villar at si ­dating Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson pero ang Mislatel-China Telecom ang pinili.

Nagpatagal sa bidding ng 3rd telco nang magtatag ng oversight committee para dito na kinabibilangan ng Department of Finance na pinamumunuan ni Dominguez.

Bukod sa 3rd major telco player, nakuha rin ni Uy ang basbas ng Department of Energy (DOE) para sa LPG terminal sa Batangas na inambisyon naman ng pamilya Lopez na mas matagal nang nasa negosyo ng enerhiya.

Sabi ng opisina ni Dominguez, wala silang pahayag kaugnay sa paratang ni Trillanes sa ngayon. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy