Una sa Balita

Domingo tinabla ang FEU

0 335

LILIBAN sa UAAP Season 82 Women’s volleyball tournament si veteran middle hitter Celine Domingo matapos mapag-alaman na hindi na nito gagamitin ang kanyang last playing year para sa FEU Lady Tamaraws.

Bukod kay Domingo,­ hindi rin maglalaro para sa Lady Tamaraws ngayong season si Carly Hernandez pati na rin si Chin Basas, na hindi rin sumabak noong Season 81.

Noong nakaraang taon, nakapasok ang Morayta-based squad sa Final Four ng torneo­ ngunit kinapos na makatungtong sa Finals.

Mangunguna para sa FEU sina veteran Angel Cayuna, Jeanette­ Villareal,­ Czarina Carandang at Ria Duremdes. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More