Una sa Balita

Domestic flights pa more sa gabi — Tugade

0 337

Para iwas delay, kanselasyon ng biyahe

ISINUSULONG ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdadagdag ng bilang ng biyahe sa gabi sa mga domestic airport.

Ang solusyong ito ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade ay makaka­tulong para maiwa­san ang pagkaantala ng mga biyahe sa pali­paran.

“Nagkasundo kami na kung saan magsasama-sama kami at magtulong-tulong upang sa ganoon iyong tinatawag natin na night rated capacity ng ating paliparan ay madag­dagan,” pahayag ni Tugade na nakipagpulong kamakailan lamang sa mga opisyal ng airlines.

“Kasi kung ang mga paliparan natin ay mag-o-operate after sunset ito ho ay makakatulong sa ating mga tinatawag na delay. Alalahanin po natin iyong mga delay ay attributable sa airlines, puwede rin ho attributable sa airport operation at puwede rin po na ito ay cause ng tinatawag na nating kalikasan,” dagdag ng opisyal.

Nauna nang ipina­ngako ni Pangulong Rodrigo Duterte na reresolbahin sa mga susunod na buwan ang isyu sa maraming pagka-delay at kanselas­yon ng mga biyahe.

Hinimok din ni Duterte ang mga opis­yales ng Ninoy Aquino International Airport na tugunan ang concern ng mga apektadong pasahero. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy