Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

`Domeng’ lumayas na sa Pinas

0 74

Tuluyan nang nakalabas ang Tropical Storm Domeng sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Sabado ng umaga, ayon sa PAGASA.

Nabatid na ang sentro ni Domeng na may international name na Aere, ganap na alas-diyes kahapon ng umaga ay nasa 990 kilometers east northeast ng Extreme Northern Luzon, sa labas ng PAR, ayon sa weather bureau.

Mayroon itong maximum sustained winds na 85 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 105 km/h, at central pressure na 994 hPa.

Patungo si Domeng sa north northwestward sa bilis na 30 km/h at inaasahang dadaan sa Ryukyu Islands ng Japan bago lumanding sa north northwestward sa Linggo sa East China Sea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.