Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dom husband material – Bea

0 26

Nakikita na nga ni Bea Alonzo ang sarili bilang misis ni Dominic Roque.

Sa guesting niya sa ‘TBATS’ (The Boobay And Tekla Show) ng GMA 7, tinanong sa kung husband material ba si Dom?

At ang matunog na sagot niya?

“Oo naman! Oo naman! Husband material si Dom.

“At saka siyempre naman, at this point in my life, hindi naman ako papasok sa isang relasyon na hindi naman seryoso. Pagkatapos ng lahat. Siyempre seryoso naman talaga.

“Oo, husband material talaga siya!” sabi ni Bea.

Well, ang dami ngang pumupuri na sobrang fresh si Dom, na parang lahat daw ng bahagi ng katawan ng binata ay mabango.

“Mabango naman talaga siya!” giit ni Bea.

Oh, di ba? Hahahaha!

Anyway, kaaliw nga na super open na talaga ang relasyon nila, na malaya na ngang napu-post ni Dominic kapag nasa unit niya si Bea, at ganun din naman ang aktres, na super post din kapag nasa bahay niya si Dominic.

AJ Raval napasubo sa halikan kay Andrew E

Umabot na sa 8.3M ang view ang trailer ng ‘Shoot Shoot: ‘Di Ko Siya Titigaln’’ na bida si Andrew E., kasama sina AJ Raval at Sunshine Guimary.

Ang bongga nga ng movie, na ganun karami agad ang interesadong panoorin ito, at curious lahat sa matitinding halikan nina AJ at Andrew.

“First day pa lang namin ni Kuya Drew, kissing scene agad. So, dinaan namin sa simpleng usap ni Kuya Drew,” sabi ni AJ.

“Nagtatanong-tanong nga siya sa akin, at sinagot ko naman siya. Ano ang feeling ko? Hindi ako makapaniwala na ang promising na tulad ni AJ ay makakapareha ko pa. At magkakaroon pa ng chance na may kissing scene na pinag-uusapan ng buong bansa. Natutuwa ako na hindi siya naospital at okey naman siya, pagkatapos ng kissing scene. Hahahaha!” kuwento ni Andrew.

Puring-puri nina AJ at Sunshine ang kabaitan ni Andrew sa shooting nila.

“Wala akong masabi kay Kuya Andrew. Total package talaga siya. Thankful ako, kasi idol ko siya noon, pinapanood ko noon ang mga pelikula niya, ngayon kasama ko na. At kakaiba ang Andrew na nakita ko, napakabait, napakagaan katrabaho, lahat na nasa kanya,” sabi naman ni Sunshine.

“Kinabahan po ako kay Kuya Drew, kasi ang tagal na niya sa showbiz. Napaka-iconic niya, tapos makakatrabaho ng baguhan na katulad ko. Parang feeling ko konting mali papagalitan ako. Pero, first day pa lang, sobrang gaan niya katrabaho, makuwela siya, at marami kang matutunan sa kanya,” sabi ni AJ.

“Nagpapasalamat ako ng lubusan sa Viva for giving me all these chances para makatrabaho sila. Pasibol at pasikat lalo ang mga pangalan nila. Nanliliit ako na pati ako nahahanay sa mga baguhan na sikat ngayon. Sila talaga ang pinagkakaguluhan sa social media. Sila ang hot item. Nanliliit ako sa kanila. Kaya salamat sa kanila at sinamahan nila ako sa movie na ito,” sabi naman ni Andrew.

Well, kuwela nga ang trailer lalo na sa puntong sinasabi ni Andrew na ‘puwede ko bang ipatong sa iyo ang itlog ko?’ Kaloka! Hahah!

Leave A Reply

Your email address will not be published.