Una sa Balita

Dolphy buhay na buhay sa puso ni Zsa Zsa

0 386

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyWala nang puwedeng pu-malit pa kay Dolphy sa puso ni Zsa Zsa Padilla. Heto nga at kahit pitong taon na mula nang yumao ang Comedy King, nananatili pa rin itong nakaukit sa puso ng singer, at forever na nga raw itong magiging greatest love ng Divine Diva.

Sa pag-alala sa 7th death anniversary ni Dolphy, dumalaw si Zsa Zsa sa puntod ng ko-medyante sa Heritage Memorial Park. Taon-taon itong ginagawa ni Zsa Zsa, lalo na kapag birthday ni Dolphy.

Sa caption ni Zsa Zsa ay mapapatunayang hindi na malulusaw pa ang pagmamahal niya kay Dolphy kahit meron na siyang bagong pag-ibig, si architect Conrad Onglao.

Binanggit din ni Zsa Zsa ang term of endearment nila ni Dolphy noong nabubuhay pa ito, ang ‘lovey’, kasunod ang mga salitang “in my heart, you’ll live forever.”

Ai Ai gustong maka-level si Yasmien Kurdi

Kung meron mang pinakamasayang babae sa balat ng lupa dahil sa bagong achievement ng kanyang dyowa, ‘yun ay si Ai Ai delas Alas.

Ipinagmalaki ni Ai Ai ang asawa niyang si Gerald Sibayan sa pagkakaroon na nito ng lisensya sa pagiging private pilot.

Pinoste ni Ai Ai ang larawan ng asawa na naka-pilot uniform pa at nilagyan ng isang officer ng badge sa balikat nito bilang isang lisensyadong private pilot.

“Congrats darling sa caap checkride and may Private Pilot License ka na,” sabi ni Ai Ai.

Ang goal naman daw ng kanyang asawa ngayon ay makuha ang commercial pilot license.

“Next target CPL (commercial pilot license na) Love you and miss you darl,” saad pa ni Ai Ai.

‘Pag nakuha na ni Gerald ang inaasam na commercial pilot license, magkaliga na sina Ai Ai at Yasmien Kurdi (na ang asawa ay piloto, si Rey Soldevilla).

Angel ‘di matibag sa ‘Action Queen’

Nananatiling hawak ni Angel Locsin ang kanyang titulo at korona bilang action queen ng Philippine television sa henerasyon ngayon. Tren-ding sa social media ang eksena ng aktres sa seryeng “The General’s Daughter.”
Pinoste ng kanyang mga follower ang action scene ni Angel kung saan nakikipagbarilan ito. Sa video, makikita ang mabilis na pag-abot ni Albert Martinez ng baril kay Angel, na mabilis na sinundan ng pagkasa niya sa baril at isa pa sa kanyang kamay, sa tagiliran saka sabay na pinaputok.

Humanga ang lahat sa ipinakitang husay ni Angel. Sabi nga, paulit-ulit nilang pinanood ang eksena dahil hindi siya makapaniwala sa galing ng kanilang idol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy