Una sa Balita

DOLE: Samantalahin ang job fair

By
0 17

Maigting ang panawagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga walang trabaho partikular ang mga nagsipagtapos sa pag-aaral na samantalahin ang nakalatag na job fair sa buong bansa.

Pinayuhan ni Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III ang mga bagong graduates na mas magandang dumalo sa mga gaganaping job fair sa dahilang pinagsama-sama ang mga employers sa iisang lugar.

Aniya, mas malaki ang tsansa na agad matanggap (hired-on-the-spot) ang mga ito kung kaya’t malaking bagay ito para magkaroon ng kasanayan.

Pinaalalahanan ni Bello ang mga aplikante na dalhin ang mga sumusunod na dokumento kabilang ang resumé o curriculum vitae, 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa dating nagtrabaho; diploma at/o transcript of records; at authenticated birth certificate.