Una sa Balita

DOLE sa OFWs: Mag-ingat

By
0 10

Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) at mga job seekers na tiyakin na lehitimo ang mga rec­ruitment agencies na inaaplayan ng mga ito upang makaiwas na mabiktima ng illegal recruitment at human trafficking.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, maraming paraan ang maaaring gawin ng bawat OFW bago ituloy ang pag-a-apply ng trabaho sa ibang bansa upang makaiwas na mabiktima ng sindikato.

Inihalimbawa pa nito ang pagtungo sa website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung saan maaaring tingnan ang estado ng mga licensed recruitment agencies na nakatala sa listahan.

Pinayuhan din ng Bello ang mga OFWs na tumawag sa POEA hotline numbers (02) 722-1144 at (02) 722-1155 upang alamin kung lehitimo ang mga trabahong iniaalok at ang license status ng mga recruitment agencies.

Sa kabilang banda, naglabas din ang POEA ng public advisory na nagbabawal sa mga OFWs at job hunters na tanggapin ang iniaalok na trabaho sa Chuuk State Hospital sa Federated States of Micronesia.

Paliwanag ni POEA officer-in-charge Aristodes R. Ruaro ang Chuuk State Hospital ay inatasang pinagbawalang mag-recruit ng mga Filipino workers kasunod na rin ng ulat na maltreatment, contract violations, harassment, discrimination at pang-aabuso sa mga Filipino migrant workers.

Sa hiwalay namang ulat, sinabi ng Philippine Consulate sa Agana, Guam na bigo ang Micronesian government na matulungan ang mga OFWs sa nasabing bansa.