Una sa Balita

DOLE sa NutriAsia: Tigil na ang endo

By
0 758

LAHAT ng manggagawang kontraktuwal ng NutriAsia Incorporated (NAI) gawing regular.

Ito ang panawagan ng mga Makabayan solon sa gobyerno na inilabas na direktiba ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa NutriAsia kung saan inatasan nitong gawing regular ang status ng employment ng 80 manggagawa sa isang sa mga kontraktor ng kompanya.

Nauna rito, nadiskubre ng DOLE na sangkot ang kontraktor ng NutriAsia na AsiaPro Multi-Purpose Cooperative (AMPC) sa ‘labor-only contracting’.

Hindi naman kontento si Gabriela Wo­men’s Party Rep. Arlene Brosas sa naturang kautusan ng DOLE.

“Pero 80 lang ‘yung kanilang ire-regular? Eh samantalang 1,000 mahigit ang workers ng NutriAsia, well in fact apat or anim na ahensiya ang nasa loob ng NutriAsia. The main point is ‘yung principal nya talaga NutriAsia at anim na ahensiya ang nasa loob niyan sa may paggawaan sa Bulacan,” pahayag ni Brosas sa panayam ng Abante/Abante Tonite kahapon.

“Sa anim na ahensiya na ‘yun, ‘yung B-Mirk (B-Mirk Enterprises Corporation) ay sa 1,000 mahigit na workers nila ‘yung B-Mirk isa doon sa ahensiya na ‘yun. ‘Yun po ang inire­reklamo ng mga manggagawa. ‘Yung B-Mirk na ‘yan mahigit kalahati ang mga manggagawa diyan 500 to 600 plus ay under the B-Mirk,” dagdag nito.