Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOLE sa mga employer: Ibigay na holiday pay ng mga empleyado

0 271

Inutusan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kompanya at iba pang negosyo na bayaran na ang mga deferred holiday pay.

Sa nilabas na advisory ng DOLE, sinabi na bago matapos ang taon ay dapat na-release na ng mga employer ang mga holiday pay ng kanilang mga empleyado.

Matatandaan na pinayagan ang mga kompanya na i-postpone muna ang pagbabayad ng mga holiday pay hangga’t hindi pa nagiging normal ang business operation dahil sa COVID-19 pandemic.

SM food to go Banner Ad

Ito’y nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa bansa na tumagal ng ilang buwan dahilan para magsara ang ilang negosyo.

Kasama sa mga pinapabayad na ng DOLE ay ang mga regular holiday noong Mayo 1, Eid’l Fitr, Araw ng Kalayaan, Eid’l Adha, Ninoy Aquino Day, National Heroes Day, All Souls at All Saints Day, at Bonifacio Day.

“Employers allowed to defer payment of the holiday pay of their employees as referred herein, are required to pay all covered employees of the deferred holiday pay equivalent to 100% of their daily wage,” ayon sa advisory ng DOLE. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.