Una sa Balita

DOLE nag-isyu ng panuntunan sa work suspension kapag may kalamidad

By
0 347

Naglabas ng advisory kaugnay sa pagsuspinde ng pasok sa pribadong sektor kapag may kalamidad gaya ng pagsabog ng bulkang Taal.

Batay sa Labor Advisory No. 01-2020, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na: “Employers in the private sector, shall, in the exercise of management prerogative and in coordination with the safety and health committee, or safety officer, or any other responsible company officer, suspend work to ensure the safety and health of their employees during natural or man-made calamity.”

Pinaalalahanan din nito ang mga employer ng tamang pagbabayad sa mga panahon ng kalamidad:

Kapag hindi pumasok ay walang bayad ang isang manggagawa maliban na lang kung may polisiya para rito batay sa collective bargaining agreement.

Kapag naka-leave naman ang isang empleyado, awtorisado siyang makatanggap ng bayad.

Kapag pumasok naman sa trabaho, walang dagdag sa sahod ng mga empleyado maliban sa kanilang arawang suweldo pero maaari namang magbigay ng insentibo ang kompanya sa mga ito.

Sakali namang hindi pumasok ang isang empleyado kapag may natural o man-made calamity, hindi ito dapat patawan ng kaparusahan.

Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 4 ang Taal Volcano.

Ibig sabihin, posible ang “hazardous explosive eruption” sa susunod na mga oras o araw, ayon sa Phivolcs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More