Una sa Balita

DOLE kinakasa ang proteksyon ng mga OFW sa Russia

0 229

NAKIKIPAG-UGNAYAN ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamahalaan ng Russia hinggil sa isang kasunduan upang ma­bigyan ng proteksyon ang mga Pilipino sa naturang bansa na karamihan ay mga household service wor­ker (HSW) at nanny.

Una rito ay inihayag ng mga OFW sa Russia ang kanilang suporta sa hakbang ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na gumawa ng isang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na binanggit niya sa St. Petersburg International Economic Forum (SPIEF).

Ang panukalang kasunduan sa paggawa sa pagitan ng Pilipinas at Russia para sa proteksyon ng mga OFW ay kasalukuyang nasa proseso.

Tuloy-tuloy ang ginagawang ugnayan ng kagawaran.

“We are looking at a simple but an implementable instrument that observes the migration regime of both countries,” ayon sa DOLE.(Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy