Una sa Balita

DOLE hihingi ng dagdag pondo ‘pag pinalawig ang lockdown

0 302

Hihingi ng karagdagang budget sa national government ang Department of Labor and Employment (DOLE) kapag pinalawig ang pinatutupad na lockdown bunsod ng coronavirus pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nakapagpalabas na sila ng P514 milyon para sa mga formal worker at P107 milyon para sa mga informal worker.

Ang susunod na batch ay ang paglalabas naman sa Abril 14 ng P579 milyon para sa 150,000 formal worker at P963 milyon para sa mga informal worker.

Kapag humaba pa ang lockdown, mangangailangan na sila ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management (DBM) upang matustusan ang pagkakaloob ng cash aid dahil sa umaabot sa 1.8 milyon manggagawa ang apektado ng lockdown.

Bawat manggagawa ay binibigyan ng DOLE ng one-time P5,000 cash. Ang mga employer ang nagsusumite ng listahan sa kagawaran para maibigay ang ayuda sa kanilang mga empleyado.

Ang mga informal worker, tulad ng mga driver, tindero at iba pa.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More