Una sa Balita

DOLE: GMA 7 may salto sa aksidente ni Eddie Garcia

0 325

LUMABAS sa inisyal na imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may nalabag na mga safety standard ang GMA-7 sa shooting ng isang teleserye kung saan naaksidente ang namayapang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Sa isinasagawang pagsisiyasat na pinangungunahan ni DOLE National Capital Region Dir. Sarah Mirasol, sinabi niya na nabigo ang network na magtalaga ng on-site safety and first aid personnel sa lokasyon ng shooting.

Gayundin bigo ang GMA 7 na magsumite ng ulat sa insidente sa loob ng 24 oras matapos mangyari ang aksidente.

Ayon kay Mirasol nagsagawa sila ng mandatory conference at ipinaalam na sa network ang kanilang mga naging paglabag at ang resulta ng imbestigasyon.

Kasabay nito, humiling ang network at mga kontraktor nito ng sapat na panahon upang makapagsumite ng kanilang komento.

Itinakda muli ng DOLE sa Setyembre 16, 2019 ang susunod na pulong sa GMA 7. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy