Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOLE 2 araw sarado

0 43

Pansamantalang isinara ang Department of Labor and Employment (DOLE) central office sa Intramuros at ang kanilang regional office sa National Capital Region (NCR) ng dalawang araw, simula kahapon, January 14.

Base sa nilagdaang memorandum ni Secretary Silvestre Bello III nitong Huwebes, sinabi niyang ang mga tanggapan ay sarado ng hanggang January 17, dahil sa pagtaas ng bilang ng nagpositibo ng COVID-19 sa departamento.

Sinabi ni Bello na umabot na sa 128 ang positibo sa COVID, na 21% sa 600 personnel ng DOLE central office.

Inatasan ng DOLE chief ang pinuno ng mga tanggapan, services, at kagawaran, kabilang ang NCR regional office na magbalik sa trabaho sa January 18. (Dolly B. Cabreza/Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.