Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Doktor sinupalpal ni Garcia sa `tuob’

0 806

Nanggagalaiti si Cebu Governor Gwendolyn Garcia dahil pinuna ng isang doktor ang memorandum niya sa tuob o steam inhalation bilang gamot sa mga posibleng sintomas ng COVID-19.

Binida pa ng gobernador ang Facebook account at post ni Dr. Candy Krista Pilapil mula sa University of Cebu Medical Center sa kanyang Facebook live video kahapon ukol sa lagay ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa post ng doktor, kinukuwestiyon nito ang memorandum ni Garcia na dapat magsagawa ng tuob ang mga provincial government employee sa kani-kanilang workstation, dalawang beses kada araw.

“You, what have you contributed? Yes, girl, you want? Next time, if you want to criticize us, run [for elections],” sabi ni Garcia sa Bisaya, sa salin ng netizen na si @pattiechoo. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.