Una sa Balita

Doktor ‘pipigain’ ni Curry

0 361

MASUSUBUKAN ang husay ni Stephen Curry sa pagbato – hindi ng bola kundi ng mga tanong.

Pipigain niya ang mga sagot para maging dagdag-kaalaman sa coronavirus at sa sitwasyon ngayon.

Hahanapan ng Golden State Warriors star ng sagot si Dr. Anthony Fauci, ang pinakamainit na personalidad sa US ngayon.

Si Dr. Fauci ang Director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases.

Malaking bagay kapag naiparating ang mensahe ni Dr. Fauci sa milyong followers ni Curry sa social media.

Hinimok ng two-time MVP ang lahat na makisali sa Q&A.

“Hyped to talk all things COVID-19 with Dr. Fauci of the @NIAIDNews tomorrow. This is a conversation for you so submit questions with #SCASKSFAUCI and join at 10am PT tomorrow (Mar 26). Let’s get it!” tweet ni Curry. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More