Una sa Balita

Doktor patay sa ambush

By
0 731

Pinagbabaril at napatay ng isang hindi nakilalang gunman ang doktor at vice president ng isang ospital habang ito ay nasa loob ng kanyang sasakyan sa par­king lot sa Barangay Maitim, bayan ng Bay, Laguna kamakalawa.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang kinilalang si Dr. Ro­derick Mujer, vice pre­sident ng Global Care Medical Center of Bay.

Nangyari ang pamamaril dakong alas-singko nang hapon habang papaalis na ito sa par­king lot ng hospital.

Kalalabas pa lamang umano ng doktor at inaat­ras ang kanyang sasak­yan nang mula sa likuran ay lumapit ang suspek at ilang beses itong pinutukan sabay takas.

Agad namang isinugod sa Health Serve Hospital sa bayan ng Los Baños ang biktima na nalagutan din ng hininga habang ginagamot.

Ayon kay Senior Supt. Eleazar Matta, director ng Laguna PNP, masusi pang iniimbestigahan ang kaso at tinitingnang motibo ang personal na relasyon at trabaho bilang doktor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy