Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Doktor ni Maradona nilusob ng mga pulis

0 213

SINUGOD ng mga awtoridad sa Buenos Aires ang bahay at klinika ng doktor ng namayapang football legend na si Diego Maradona.

Sa ulat, nasa 30 pulis ang nagsagawa ng raid sa bahay ng 39-anyos na doktor ni Maradona na si Leopoldo Luque habang 20 pulis naman ang lumusob sa klinika nito sa Buenos Aires.

Ito ay bunsod na rin sa hinala ng tatlong anak ng 60-anyos na football star na sina Dalma, Gianna at Jana na may nangyaring pagkakamali sa ibinigay na medikal na atensiyon sa pagkamatay ng kanilang ama.

Nabatid sa prosecutors ng San Isidro sa Buenos Aires na masusi sila ngayong nangangalap ng ebidensya upang masigurong walang nangyaring iregularidad o kapabayaan sa pagpanaw ni Maradona na sinasabing namatay sa atake sa puso. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.