Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Doktor home service sa tuli

0 49

Hinahangaan ngayon ang isang doktor dahil sa pagsisikap niyang magbahay-bahay upang makapagtuli ngayong pandemya.

Ayon kay Dr. Jamille Mabalo, naisipan niyang maglunsad ng ‘Home Service Tuli’ upang hindi na mamroblema ang mga magulang sa pagpapatuli sa kanilang mga anak.

Aniya sa isang episode ng “Pinoy MD”, nitong Marso niya sinimulan ang bahay-bahay na pagtutuli.

Imbes na magtungo umano sa mga klinika o ospital ang magulang at kanilang anak ay pinupuntahan na lamang niya ang mga ito sa bahay upang makatulong din na huwag nang kumalat ang COVID-19.

Dagdag ni Dr. Mabalo, tinitiyak naman niyang ligtas siya laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapa-swab test kada dalawang linggo.

Kapag dumarating din daw siya sa bahay ng pasyente ay agad siyang nagdi-disinfect at nagsusuot ng personal protective equipment. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.