Una sa Balita

Doktor dinukot ng Abu Sayyaf

0 353

ISANG Christian-­Tausog na doktor ang panibagong kidnap victim ng hinihinalang mga ­miyembro ng ­teroristang grupo na Abu ­Sayyaf matapos nila itong ­sapilitang kunin sa loob ng kanilang bahay ng apat na armadong ­suspek sa Jolo, Sulu.

Kinilala ni ­Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. ­Genreal ­Cirilito Sobejana ang biktimang si Dr. Daniel Moreno, puwersahang dinukot sa loob ng kanilang bahay katabi ng kanyang clinic sa Brgy. Walled City Jolo, Sulu dakong alas-­iyete ng gabi.

Dahil sa ­insidente agad na ikinasa ng Joint Task Force Sulu ang search and rescue ope­rations para marekober ang doktor.

Ayon pa kay Sobejana, isa sa mga ­teorya na kanilang ­nakikita hinggil sa pagdukot kay Dr. Moreno ay ­dahil ­na­ngangailangan ng ­doktor ang mga ­bandidong grupo para ­gamutin ang mga ­sugatang ­kasamahan nito.

Subalit posible rin umanong mauwi sa kidnap for ransom ang kaso dagdag pa ng heneral.

Patuloy ang ginagawang pagtugis ng ­militar sa teroristang grupo para sa agarang pagliligtas sa dinukot na doktor. (­Edwin Balasa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More