Una sa Balita

Dok binulabog ng politiko

0 298

BINULABOG daw ng isang politiko ang doktor sa disoras ng gabi.

Natutulog na raw ang doktor nang ipatawag ito ng politiko.

Siyempre, agad naman itong tumu­ngo sa bahay ng politiko, kulang na lamang ay paliparin ang kanyang sasakyan.

Kumpleto sa gamit ang doktor at akala ay gagamutin o itse-tsek niya ang kalusugan ng politiko.

Subalit pagdating­ niya sa bahay ng politiko, maayos naman itong nakapaglalakad­ at walang problema.

Gusto lang palang maka-inuman ng politiko ang doktor na hindi naman tumanggi sa alok sa kanya.

Pintahan niyo na. Ang politikong nambulabog sa doktor ay kilalang palabiro at may letrang S sa kanyang apelyido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More