Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOJ pinasa sa korte kalayaan ni De Lima

0 123

Nakasalalay sa kamay ng Muntinlupa Regional Trial Court ang paglaya ng naka-detineng si Senador Leila de Lima.

Nilinaw ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos na opisyal na hilingin ni de Lima sa DOJ na ibasura ang kaso laban sa kanya makaraang bawiin ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Rafael Ragos ang kanyang testimonya laban sa senadora.

Ayon kay Guevarra, maaring makalaya si De Lima sa pamamagitan ng piyansa kung pagbibigyan ito ng korte. Una nang tinanggihan ng korte ang kanyang petition to bail.

“Through bail is the only way that Senator De Lima could be temporarily free during the pendency of the trial,” ani Guevarra. “She tried, but the court denied.”

Tinanggihan ito ng korte sa kabila na naabsuwelto siya sa isa niyang kaso may kaugnayan sa ilegal na kalakalan ng shabu sa loob ng New Bilibid Prison.

Sinabi pa ni Guevarra na nasa trial na ang kaso ni De Lima at para payagan itong makapagpiyansa ay isasailalim muna sa maigting na examination at cross examination ang pagbawi ni Ragos sa kanyang testimonya.

Una nang binawi ni Ragos at self-confessed drug lord Kerwin Espinosa ang testimonya nito laban kay De Lima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.