Una sa Balita

DOJ investigators, tamad – Poe

By
0 2,215

PINATUTSADAHAN ni Senador Grace Poe ang mga imbestigador ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng pagsailalim kay Janet Lim Napoles sa provisional Witness Protection Prog­ram (WPP) kaugnay sa pork barrel scam.

Kuwestyon ng senador sa prosekusyon kung tinamad lamang ang mga ito na mangalap ng ebidensiya kaya’t umaasa sa testimonya ni Napoles.

Ipinaalala ni Poe na hindi dapat nasasanay ang mga imbestigador na umaasa sa testimonya ng mismong kriminal upang pagtakpan ang kawalang abilidad ng gobyernong lumikom ng ebidensiya at magpalakas ng kaso laban sa kriminal.

Abante Hiring – IT dep

“Pagdating naman sa ebidensiya, tinamad na naman ba ang prosekus­yon sa pagkalap ng mga ebidensiya?” saad ni Poe.

Iginiit ni Poe na ang WPP ay naglalayon lamang na protektahan at tiyakin ang seguridad ng mga kuwalipikadong testigo at hindi protektahan ang isang tao.

“The government’s Witness Protection Program is there to protect and secure the qualified witnesses, so we can conclude the case. Bakit kailangang bigyan ng special treatment ang isang tao?” dagdag pa ng mam­babatas.