Una sa Balita

DOJ findings sa Tadeco-BuCor deal tadtad ng maling legal interpretation

By
0 57

Tiniyak ng Tagum Agricultural Development Company (TADECO) na balido ang kanilang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng Bureau of Corrections kasabay ng pagtuligsa sa ipinalabas na findings ng Department of Justice (DOJ) sa ginawang pagrebyu sa kasunduan na tadtad umano ng maling interpretasyon ng batas.

Ayon kay TADECO president at CEO Alex Valoria nang basahin nila ang findings ng investigating panel na una nang ipinalabas sa media ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, malinaw nilang napatunayan na mali-mali ang naging interpretasyon nito sa batas, sa bandang huli umano ay kumpiyansa silang maipagtatanggol ang legalidad ng kanilang pinasok na JVA sa BUCOR.

“The DOJ in its fin­dings pointed out that the JVA was ‘fraught with infirmities.’ But, sad­ly, when we read the fin­dings the only conclusion we can respectfully come to is that the findings were fraught with legal misinterpretations,” pahayag ni Valoria.

Tila lito din umano ang TADECO sa findings ng DOJ. Ani ni Valoria, sa findings ng DOJ ay sinabi nitong labag sa batas ang JVA subalit bandang huli ay inirerekomenda din na amyendahan ang JVA para makasunod sa batas.

“The recommendation of the DOJ panel to amend the JVA to make it comp­liant with the law indicates that the justice department deems the contract to be valid” giit pa ni Valoria.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy