DOJ, butata sa kaso ni De Lima

By

Ibinasura ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang mosyon ng Department of Justice (DOJ) na i-consolidate o pag-isahin ang tatlong kaso ni Senador Leila de Lima na pare-parehong may kaunayan sa illegal drugs.

Sa desisyon Judge Juanita Guerero, iginiit nito na walang merito ang mosyon ng DOJ at magiging dahilan lamang umano ito para humaba ang paglilitis kay De Lima.

Ikinatwiran din ng korte na hindi maaaring pagsamahin sa iisang kaso ang tatlong magkakaibang reklamo.

“The court finds no merit in the consolidation of the 3 aforementioned cases to one court as the accused in said cases are different and the cases involved different incidents. Further, the consolidation would lead to prolonged trial,” ayon sa desisyon ni Guerrero.

Matatandaang ikinatwiran ng DOJ na mas magiging madali ang paghahain ng mga ebidensya sa reklamo kung pag-iisahin na lamang ang kasong nakasampa sa Muntinlupa Regional Trial Court  Branches 204, 205 at 206.

Nais ng DOJ na si Judge Guerero ang humawak sa mga kaso ni De Lima.

Samantala, binigyan ni Judge Amelia-Fabros-Corpuz ng Branch 205 ang depensa ng 10-araw para maghain ng karagdagang pleading sa hiling na motion to quash.

Itinakda ni Judge Corpuz ang pagdinig sa June 30, 2017, ganap na alas-8:30 ng umaga.


SHARE