Una sa Balita

DOJ Bumuwelta: US Damn Shit!

0 714

INALMAHAN ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang naging hakbang ng US government na pagbawalang maka­biyahe sa Amerika ang mga opisyal ng gobyerno na responsable sa pagpapakulong kay Senador Leila de Lima.

Ayon kay Guevarra, nabigla siya sa naging hakbang ng Trump administration dahil isa na itong pakikialam sa soberenya ng Pilipinas.

“This issue is much bigger than the prose­cution of Senator de Lima on drug charges under Philippine laws. This involves issues of sovereignty and non-interference among co-equal nations,” diin ng kalihim.

“I don’t give a damn…if I’m included in the US list. I’m not the one who has to answer to may conscience,” banat pa ni Guevarra.

Bukod sa pagkansela ng visa, ipapakumpiska pa umano ang ari-arian ng mga opisyal na nagpakulong kay De Lima.

“I am shocked that a foreign government can unduly influence or interfere with another country’s legal and judicial processes by threats of visa cancellations and asset confiscation. I thought the US wants everyone to observe due process?” litanya pa ni Guevarra.

Hindi naman natinag ang Malacañang sa ipinasang batas ng US Congress na pagbawalang makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng pamahalaan na may kinalaman sa pagpapa­kulong kay De Lima.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may probisyon sa ipinasang batas ng Amerika na mangyayari lamang ang pag-ban sa mga opisyal ng gobyerno kung mayroong matibay na batayan o impormasyon ang US Secretary of State sa paniwalang pagpapakulong kay De Lima.

Ayon kay Panelo, hindi makikialam ang gobyerno sa proseso ng US Congress tulad ng disgusto ng Pilipinas sa panghihimasok ng ibang bansa sa legislative process ng bansa.

“We cannot interfere of the process of the US legislature. But I noticed that in that provision, there is such a colatilla that when the Us Secretary of State receives credible information in the so called wrongful information,” ani Panelo.

Ipapaubaya na aniya ng Palasyo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-aksiyon sa desisyon ng US congress.

Binigyang-diin ni Panelo na walang mali sa pagkakakulong ni De Lima dahil dumaan sa judicial process at binusisi nang husto ang mga ebidensiya sa kaso ng senadora bago ito kinasuhan.

“It cannot be a wrongful detention because the senator went to two processes, one is administrative and the other is judicial so how can that be wrongful?” dagdag ni Panelo.

Para sa kalihim, hindi siya apektado sa na­ging aksiyon ng Amerika dahil wala aniya siyang balak na magtungo sa Estados Unidos.
Isa si Panelo sa mga personalidad na nilista ni De Lima na may kinalaman sa kanyang pagpapakulong.

Bukod dito, inilista din ni De Lima sina Pangulong Rodrigo Duterte, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, dating DOJ Secretary Vitaliano Aguir­re, Solicitor Ge­neral Jose Calida, Public Attorney’s Office chief Persida Acosta, Sandra Cam, Dante Jimenez, dating Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Isinama din sa lista­han sina OWWA deputy administrator Mocha Uson at online perso­nalities na sina Sass Rogando at RJ Nieto.

Ang US travel ban ay nakapaloob sa pinirmahang 2020 budget ni President Donald Trump kung saan may nakasapin na amendment na nagpapahintulot sa US secretary of state na pigilin ang pagpasok sa Amerika ng mga taong sangkot sa pagpapakulong kay de Lima.

Ikinatuwa naman ni De Lima ang naging hakbang ng US government.
“This latest development signals the fact that impunity cannot last and that one way or another, justice will catch up with those who choose to do injustice to others. This also signifies a solid recognition by the US government that I am a clear victim of political persecution,” ani De Lima sa isang statement.

Si De Lima ay pinakulong noong Ene­ro 2017 matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang Muntinlupa Regio­nal Trial Court dahil sa asuntong tumanggap ito ng drug money noong kalihim pa ng DOJ. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More