Una sa Balita

DOJ ayaw sumawsaw sa pinaslang na ‘narco’ mayor

0 469

IPAUUBAYA ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine National Police (PNP).

ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Clarin, Misamis Occidental Mayor David Navarro.

Sa isang text message, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipauubaya muna nila sa ngayon ang kaso sa PNP at saka papasok ang kanilang tanggapan kung kinakailangan.

“As usual, we’ll leave it to the PNP for now and we would step in through the NBI (National Bureau of Investigation) as may be needed,” ani Guevarra.

Batay sa mga ulat, tinambangan si Navarro ng apat na hindi pa nakikilalang suspek habang ito ay patungo sa Cebu City Prosecutor’s Office para sa inquest proceeding kaugnay ng mga kasong slight physical injury at acts of lasciviousness.

Sa ngayon ay nanumpa na si Vice Mayor Glorife Roa bilang bagong alkalde ng Clarin. (Lorraine Gamo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More