Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH: Walang go signal sa edad 12-17 booster

0 185

Wala pang go signal mula sa mga eksperto para sa booster shot ng mga batang edad 12-17.

Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang sagot sa tanong kung kailan bibigyan ng booster shot ang mga binakunahang kabataan para sa dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19.

“Patuloy ang pag-aaral ng mga eksperto kasi globally wala pang sapat na ebidensiya para sa pangangaila¬ngan na bigyan ng booster ang 12-17.

Pinag-aaralan pa rin ng international experts itong safety at ang maibibigay na effectiveness ng bakunang ito kung sakaling gagawin natin ‘yan,” ani Vergeire.

Pero tiniyak ng opisyal na nakahanda ang gobyerno na magbigay ng booster sa kabataan sa sandaling mayroon ng go signal sa mga eksperto. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.