Una sa Balita

DOH tutok sa mga nakahalubilo ng namatay sa meningo

0 301

Sampung araw imu-monitor ng Department of Health (DOH) Davao Center for Health Development, ang mga taong malalapit sa 4 anyos na batang lalaki nasawi sa meningococcemia para matukoy kung makikitaan sila ng mga sintomas ng karamdaman.

Gayunman ay sinabi ng DOH na kontrolado nila ang sitwasyon sa Davao at mahigpit na nilang minu-monitor ang lahat ng taong nagkaroon ng close contact sa bata.

Ayon inilabas na pahayag ng DOH Davao, nakikipag-ugnayan sila sa mga concerned individual upang matukoy kung saan-saang lugar nagtungo ang biktima bago ito namatay at sinu-sino ang mga nagkaroon ng closed contact sa kanya.

Sinabi ng DOH na habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa naman umanong sinuman sa natukoy na close contact ng pasyente ang nakitaan ng mga senyales ng meningococcemia.

Inalis rin ng DOH , ang pangamba ng publiko at umapela na maging responsible sa pagpapakalat ng impormasyon lalo na sa social media.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy