Una sa Balita

DOH tadtad ng iregularidad — COA

By
0 130

Tadtad ng iregularidad ang P1.6 bilyong Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health (DOH), ayon sa report ng Commission on Audit (COA).

Patunay umano na bigo ang DOH sa tungkulin nitong ibigay ang inaasahang healthcare services sa publiko ay ang ilang infrastructure projects na delayed habang depektibo o hindi nagagamit ang iba.

Nabatid na P83 bil­yon ang inilaang pondo para sa HFEP mula 2010 hanggang 2016 na ang pangunahing layunin ay makabili ng mga bagong equipment at iba pang pasilidad para sa mga government hospitals at health centers.

Subalit sa ginawang audit ng COA lumitaw na P58.1 milyong halaga ng iba’t ibang equipment sa DOH offices at state hospitals ang hindi nagagamit dahil depektibo habang ang ilan ay hindi pa nai-install dahil walang sapat na espasyong paglalagyan at nangangailangan ng occupancy permit o electricity requirement.

Bagama’t may mga gumaganang makina, ilan sa mga ito ay walang personnel na magbabantay at hindi rin alam mag-troubleshoot kapag nag-malfunction.

Gumastos naman ang DOH ng P43.4 milyon sa pagbili ng mobile dental vehicles na inilagay sa National Capital Region, Regions II, IX, XIII at CARAGA subalit pawang hindi nagagamit at de­pektibo ang iba.

Nasa P1.5 bilyong infrastructure projects naman sa ilalim ng programa ang nakita ng COA na delayed o natapos na pero hindi pa rin ginagamit.

Puna ng COA na ilang contractor na mayroon nang pangit na record ang binigyan pa rin ng proyekto ng DOH para sa pagkumpuni ng mga hospital building kaya ang resulta ay palpak pa rin na trabaho.

“Poor planning delayed the preparation of plans/program of works and estimates of 5 infrastructure projects, which resulted in the non-implementation of said projects, thus depriving constituents/public of the benefits of the program/projects,” nakasaad sa COA report. 

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More