Una sa Balita

DOH sa publiko: Mag-ingat sa pagkaing may formalin

By
0 211

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pagbili ng mga pagkain sa mga pamilihan na may taglay na formalin o formaldehyde, na karaniwang ginagamit ng ilang tiwaling negos­yante at tindera upang ipreserba at mapanati­ling sariwa ang kanilang mga paninda.

Ang babala ay ginawa ng DOH kasunod ng mga ulat na ginamitan ng formalin ang mga frozen galunggong na inaaangkat mula sa China dahil sa pananatiling sariwa pa rin ng mga ito pagdating sa Pilipinas.

Sinabi ni Health Usec. Eric Domingo, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng formalin sa preserbasyon ng mga pagkain dahil maaari itong magdulot ng kanser at nakakamatay.

Ang formalin umano ay carcinogenic kaya maaari itong maging sanhi ng kancer kung palagiang nakakakain nito ang isang indibidwal.

Habang ang 30 milliliters lamang ng natu­rang formalin ay sapat na upang mamatay ang isang indibiduwal.

Samantala, pinaalalahanan ni Domingo ang publiko na tiyaking sariwa at walang formalin ang mga pagkaing kanilang binibili tulad ng isda, karne, gulay at prutas.