Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH: Region 3, 4 ospital apaw na rin! COVID patient sa NCR wala nang matakbuhan

0 46

TUMATAAS na rin ang occupancy rates ng mga ospital sa Region 3 at 4 dahil sa patuloy na surge ng COVID-19 cases sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, napipilitan ang One Hospital Command Center na i-redirect o i-refer ang mga pasyente mula sa NCR sa mga pagamutan sa Regions 3 at 4, kaya’t dumarami na rin ang mga pasyente roon.

Ang One Hospital Command Center ay ang referral system para sa healthcare providers at medical transportation.

“Especially moderate and severe [cases] that cannot be accommodated especially now in Metro Manila, we’d look for a space for them through the One Hospital Command [Center] in Region 3 and Region 4,” ani Vega, sa panayam sa telebisyon kahapon.

“We’ve also noticed that there’s a spike in those a­reas, especially in the private institutions and even in the public,” dagdag nito.

Nabatid na nagtayo na rin ang DOH ng mga modular tent at hospital extension upang tumulong sa walong pagamutan sa Metro Manila na masyado nang strained dahil sa surge ng COVID-19 cases pero hindi pa rin sapat dahil kulang pa rin ang mga medical worker na gagamot sa mga pasyente, ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi) President Dr. Jose De Grano.

Una nang sinabi ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nasa 78% hanggang 80% ang kabuuang healthcare demand sa Metro Manila, at halos 100% na aniya ang occupancy ng ICU beds sa karamihan sa mga lungsod sa nasabing rehiyon. (Juliet de Loza-Cudia/Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.