Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH pumiyok! Coronavirus case per day ‘di tama

0 137

Aminado ang Department of Health (DOH) na marami pang nagpopositibo sa COVID-19 ang hindi nakakasama sa talaan nang ipinalalabas sa daily cases ng ahensiya.

Ayon kay Dr. Alethea de Guzman, director ng Epidemiology Bureau ito ay dahil ang mga naiuulat lamang ay ibinase sa RT-PCR test at hindi kasama ang antigen test.

“Actually yes and even outside our country, it is underreported for several reasons. Number one, kapag hindi kayo nagpa-RT-PCR or hindi kayo na-antigen, hindi kayo masasama sa bilang,” ayon kay De Guzman.

“But there are also those who are asymptomatic, unknowingly infected. Hindi natin nade-detect kaya hindi rin sila nabibilang doon sa total confirmed cases natin,” dagdag ni De Guzman. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.