Una sa Balita

DOH nanawagan sa blood donation

By
0 681

HINIMOK ng Department of Health (DOH) ang publiko na boluntaryong mag-donate ng dugo dahil bukod sa makatutulong na ito sa pagliligtas ng buhay ng tao, ay ma­laki rin ang magagawa nito upang maging ‘fit’ at ‘healthy’ ang panga­ngatawan.

Nanawagan si Regio­nal Director Eduardo Janairo sa mga residente ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) na mag-alay ng kanilang dalisay na dugo.

“Donate blood, make it a practice, it promotes a healthy lifestyle whilst rep­lenishing our blood supply,” ayon kay Dr. Janairo, sa pagsisimula ng blood donation activity ng mga empleyado sa regional office ng DOH-Calabarzon.

Nabatid na ang natu­rang bloodletting activity sa regional office ay ba­hagi ng tuloy-tuloy na adbokasiya at commitment ng DOH na makapagbigay ng ligtas na blood supply at blood products para sa mga pas­yenteng nanga­ngailangan ng blood transfusion.

Umaabot sa 35 blood units ang nalikom ng DOH sa naturang bloodletting activity.

Ayon kay Janairo, para maging blood donor, kinakailangang nasa 16-65-anyos, malusog ang pangangatawan, may timbang na 110 pounds (50 kg) at pataas, at nakapasa sa physical, health history at lifestyle assessment sa screening.