Una sa Balita

DOH nakuryente sa palpak na test kit

0 626

Nilinaw kahapon ng Department of Health na hindi palpak ang mga donasyong COVID test kit ng China.

Ginawa ng DOH ang paglilinaw matapos sabihin ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa press conference nitong Sabado, na ilang test kit mula sa China ay nagpapakita lamang ng 40 percent accuracy kaya tinago lamang nila ang mga ito

Ayon sa statement ng kagawaran, ang 2,000 BGI PCR-type test kit at 100,000 Sansure PCR-test kit na donasyon ng Chinese government ay in-assess na ng Research Institute for Tropical Medicine na ka-level ng test kit na pinamimigay ng World Health Organization.

“On the other hand, the test kits mentioned during the press briefing by the Department last 28 March 2020 referred to another brand of test kit that was proposed to be donated by a private foundation,” ayon pa sa DOH.

“The DOH apologizes for any confusion that previously issued statements have caused.”

Nauna rito ay umalma ang Chinese Embassy sa Maynila at sinabing hindi palpak ang donasyon nilang test kit.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More