Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH nakasipat ng bagong variant

0 227

Naitala ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng B.1.1.318 variant sa bansa.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan kung saan ang B.1.1.318 ay isang COVID-19 variant na under monitoring base sa klasipikasyon ng World Health Organization.

Ang nabanggit na variant ay unang na-detect sa Mauritius at mayroon itong 14 mutations, kabilang na ang mga nakita sa Delta at Beta va­riants ng COVID-19.

“This was initially identified or detected in Mauritius. Mayroon silang naging cluster of 120 cases doon at noong kanilang nag-sequence ay ito po ang lumabas. Itong variant under monitoring na ito,” ayon kay Vergeire.

Ayon kay Vergeire, ang pas­yente na may bagong variant sa bansa ay isang 34-anyos na lalaki na may address sa Bacolod City, Negros Occidental na dumating noong Marso 5, 2021 at may travel history sa United Arab Emirates at gumaling na ang pasyente noong Marso 21. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.