Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH: Nakarekober sa COVID-19 record-high

0 221

Nakapagtalang muli ang Pilipinas ng “highest single-day recoveries” sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health, ito’y matapos 807 na pasyente ang gumaling nitong Sabado na nagpataas sa bilang ng mga nakarekober sa disease sa 14,037.

Nahigitan nito ang naitalang record noong July 5 na 489 recoveries.

“This coming Monday, meron po tayong pagtaas ng recoveries ito po ay dahil tuloy-tuloy for the last months natin kausap ang ating mga local government units at marami na po sa kanila ang nakapag-submit ng data sa atin,” sambit ni Dr. Beverly Ho, DOH director for Health Promotion and Communication Service.

Sa ngayon ay naitala na sa 54,222 ang COVID positive sa bansa matapos 1,387 ang panibagong nagpositibo. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.