Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH nagbabala vs pekeng contact tracer

0 301

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa ilang indibidiwal o grupo na nagpapanggap na mga contact tracer at nanghihingi ng pera.

Ayon sa DOH nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga citizen na may tumatawag sa kanila na nagsasabing taga DOH Contact Tracing Team.

Inaalam umano nito ang personal na impormasyon ng kausap hanggang sa nanghihingi na ng pera.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng DOH ang publiko na maging mapagmatyag kapag tinanggap ang tawag at huwag magbigay ng personal na impormasyon,isulat ang numero ng tumawag at i- block.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para maimbestigahan ang modus at makagawa ng legal na aksiyon.(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.