Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH: Mga Cebuano may coronavirus, kumonti

0 528

Nbababawasan na ang kaso ng COVID-19 sa Cebu, ngunit hindi nangangahulugan na kontrolado na ang pagkalat ng virus sa lalawigan.

“Base sa report ng national task force at ng regional office namin, bumaba ang kaso sa kanila,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“I cannot say if it is plateauing kasi kailangan natin makita ang trend na iyan,” paliwanag nito.

Bumase si Vergeire sa datos sa mga nakalipas na linggo, at mas lilinaw ang trend ng virus sa Cebu sa mga susunod na araw na mahigpit na babantayan ng DOH.

Sinailalim ang Cebu Province sa general community quarantine, habang modified enhanced community quarantine pa rin sa Cebu City kung saan tinuturing itong hotspot ng virus sa Central Visayas.

Sa datos ng DOH-Central Visayas Center for Health Development, 3,241 ang kaso ng COVID-19 sa Cebu City, habang abot naman sa 1,645 ang sa Cebu Province.

Leave A Reply

Your email address will not be published.