Una sa Balita

DOH may ₱47M supply ng gamot sa mga binagyo

By
0 310

Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na may nakahandang P47 milyon halaga ng supply ng gamot ang ahensiya na nakaantabay para ipamahagi sa mga lugar na napinsala ng bagyo.

Ito ay sa kabila na maliit lamang ang na­ging dulot ng bagyong Rosita sa Cagayan at Isabela.

“Mga ilang-ilan barangay health station, rural health units at mga ibang bahagi ng ospital yung assessment, yung pinadala sa akin ng regional disaster and assessment and needs analysis ay umabot ng P1.5 to P2 million worth of pesos yung damage (health infra),” ayon kay Duque.

“Hindi naman ganun­ kabigat sa health system/ sa health infra pero syempre hindi pa tapos yung assessment na hanggang ngayon ay sinasagawa pa rin nung ating team ng DOH together with OCD, DILG at mga local government units at inaantay natin yung updated report,” dagdag pa ni Duque.

Nalaman din na umabot na sa P12 mil­yon ang halaga ng mga gamot at supply na kinabibilangan ng antibiotics, paracetamols at lagundi.

Inaasahan umano ang pagtaas ng sakit na hypertension, fever, diarrhea, acute respiratory infection.
Nabatid kay Duque na kung mauubos ang P45 milyon supply ay madali naman itong sundan kung talagang kinakailangan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy