Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH kulelat sa vaccine passport – Lacson

0 23

Kailangang kumayod pa nang husto ang gobyerno matiyak na sapat ang bakuna at wasto ang pagpapatupad ng vaccination program para matamo ang herd immunity.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson para malampasan ng bansa ang epekto ng pandemya sa kabuhayan ng mga Pilipino.

“The best way out of this pandemic is for our people to ‘get the jab done’ and our government to ‘get the job done,’” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter post.

Ayon kay Lacson, bukod sa ibayong hakbang na kailangang gawin ng gobyerno para hindi kapusin sa suplay ng bakuna ang Pilipinas, kailangan din itong tapatan ng publiko ng pagtitiwala sa bakuna bilang tamang proteksiyon laban sa pandemya.

Pinuna rin nito ang mabagal na paggalaw sa pagpapatupad ng vaccine passport program para sa kaluwagan sa lokal at pagla­lakbay sa ibayong dagat makaraang makarating sa kaalaman na ito ay plano pa lamang.

“Plano pa lang? Late again,” tugon ng mambabatas sa hanggang ngayon ay plano ng Department of Health na magkaroon ng vaccine passport.

Nauna nang nanawaga si Lacson sa pamahalaan na ikonsidera at tratuhin nitong tulong ang pagkilos ng pribadong sektor para makabili ng bakuna at ilantad sa publiko ang mga transaksiyon na may kaugnayan sa paglalaan ng pondo ng pamahalaan kaugnayan sa pandemya lalo na ngayong kinakapos na ang kaban ng bayan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.