Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH kinumpirma COVID mutation sa Central Visayas

0 320

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may na-detect silang dalawang mutation ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19 matapos isailalim sa genome sequencing ang ilang sampol mula sa Central Visayas.

Nauna nang inihayag ng DOH Region 7 na posibleng ito ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Cebu.

Gayunman, nilinaw ng DOH at ng Philippine Genome Center (PGC) na hindi pa sapat ang mga available date para sabihing may malaking epekto ang mga natagpuang COVID-19 mutation sa mga local sample sa Central Visayas sa kaligtasan ng publiko.

Paliwanag pa ng DOH na natural talagang nangyayari na nagkakaroon ng mutation ang mga virus sa loob ng katawan ng isang tao at kapag nasasalin ito sa ibang tao.

Ipinahayag naman ni PGC executive director Dr. Cynthia Saloma sa isang virtual briefing na lahat ng mga kaso sa Central Visayas ng COVID mutation ay nakitaan ng mild symptoms lang at nakalabas na rin ng quarantine.

Tiniyak naman nito na kanilang palalakasin pa ang surveillance para sa mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.