Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH kinalampag ni Rep. Lopez, benepisyo ng frontliners apurahin na

0 67

Pinamamadali na ni House Committee on Metro Manila Development chairman at Manila Rep. Manny Lopez sa Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng lahat ng mga kaukulang benepisyo na alay sa mga frontliner at kanilang mga pamilya lalo na ang mga nagbuwis ng buhay sa paglaban sa COVID-19.

“As some of you may know, I am a newly-minted COVID-survivor. I know and experienced first hand the difficulty this disease brings to those it afflicts as well as to their family members and loved ones. I also realized, even more now, the strain and difficulty this disease brings to our healthcare workers. Every day they go to work putting at risk their own safety and well-being and that of their families so that they can take care of the sick. We can only imagine the risk, fear and anguish that they unnecessarily have to go through in the performance of their duty. All of us owe our healthcare workers our deepest gratitude,” paghahayag ni Rep. Lopez.

Batay sa datos ng DOH nitong Marso 26, 2021, lumilitaw na nasa kabuuang 15,662 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 at 82 sa mga ito ang namatay.

Bunsod ng pagtaas ng bilang ng mga nahahawahan ng nakamamatay na virus partikular na sa Metro Manila ay pihadong tumaas na rin ang bilang ng mga naapektuhan.

SM food to go Banner Ad

Alinsunod sa House Bill at resolusyon na inihain kamakailan, hinihirit ni Rep. Lopez sa DOH NRC Director na bigyan ang komite ng listahan ng lahat ng mga health worker na kinapitan ng COVID-19 gayundin ang mga pumanaw sanhi ng nakamamatay na sakit nang sa gayon ay mapagkalooban ng wastong pagkilala at pagpupugay ang mga bayaning nagbuwis ng buhay kabilang ang mga healthcare worker na nagpapatakbo ng mga ospital, health center at iba pang health institutions, kasama ang mga nasa unahan o first responder sa komunidad, gaya ng barangay health workers na kadalasan ay nakakaligtaan at nagtatrabaho ng mayroong minimal honorarium at allowances.

Binigyang-diin ni Rep. Lopez na mahalagang mapagkalooban ang mga frontliner, nasa pribado at publiko mang sektor ng lahat ng mga kinakailangang benepisyo at mga allowance na naaayon sa kanila sa ilalim ng batas.

Salig sa batas, ang mga pampubliko at pribadong health workers na nahawahan ng COVID-19 habang ginagampanan ang kanilang trabaho ay makakatanggap ng isang milyong piso (P1,000,000.00) ang pamilya kapag sinawing palad na pumanaw; kapag nagkasakit o naging severe at kritikal ang lagay ay pagkakalooban ng P100,000.00; at kung mild o moderate case naman ay P15,000.

“Dapat siguraduhin ng pamahalaan na inaasikaso natin ang mga pangangailangan ng ating mga bayaning frontliners, lalo na ang ating mga health workers at mabigyan natin sila ng nararapat na benepisyo, kompensasyon, at sustento gayundin ang kaukulang rekognisyon at parangal. Ito man lang ang maisukli natin sa kanilang kahanga-hangang sakripisyo at ‘di matatawarang serbisyo sa bayan,” giit ni Rep. Lopez.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.