Una sa Balita

DOH: Kaso ng polio umakyat sa 7

0 289

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nadagdagan pa ng tatlong kaso ang tinamaan ng polio virus sa Mindanao.

Ayon sa departamento, lahat ng tatlong kaso ay dinala sa Cotabato Regional Medical Center. Kabilang sa mga ito ang 2-anyos na babae mula sa Maguindanao, 1-taong gulang na lalaki sa Cotabato City, at 4-anyos na babae mula sa North Cotabato.

Pare-pareho umanong nilagnat, inubo at nakaramdaman ng panghihina sa mga binti, leeg, at muscle sa mukha ang mga biktima.

Nabatid pa na dalawa sa kanila ay hindi nabakunahan, habang ang isa ay nagpabakuna ngunit hindi umano nakompleto ang dose.

Kasunod nito, hinimok ni DOH Secretary Francisco Duque III ang mga magulang na siguruhing matatanggap ng kanilang mga anak ang kompletong bakuna para sa polio.

Giit nito, hindi umano katanggap-tanggap na dumami ang kabataang na nabibiktima ng sakit na kayang maiwasan ng bakuna.

Noong Setyembre, naitala ang u­nang kaso ng polio sa Lanao del Sur, 19 na taon matapos ideklarang polio-free ang bansa. Sa ngayon, mayroon nang kabuuang 7 kaso ng polio sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy