Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

DOH exec matunog na kapalit ni Duque

0 95

Tumangging magkomento si Infectious Diseases Expert Dr. Ed Salvaña sa paglutang ng kanyang pangalan sa social media na isa sa mga pinagpipilian para maging bahagi ng gabinete ng susunod na administrasyon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Salvaña na wala pa namang direktang nakikipag-ugnayan sa kanya mula sa kampo ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. kaya tutok lamang ito sa kanyang trabaho.

“May naririnig po ako ng ganyan. Siguro sa ngayon no comment muna ako. Let’s go through official channels kung meron man. I would rather focus on our COVID prevention and control right now,” ani Salvaña.

Tiniyak ni Salvaña na nananatili siyang miyembro ng technical advisory group ng Department of Health at kahit paalis na ang kasalukuyang administrasyon ay ang mananatili ang kanyang trabaho sa pagtugon sa COVID-19 pamdemic.

Kung isa man aniya siya sa pinagpipilian para mamuno sa DOH sa ilalim ng bagong administrasyon ay hindi pa niya masasagot ito sa ngayon dahil pawang haka haka lamang ito na lumalabas sa social media. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.